Si Ellen ay ang kandidata ng Green Party ng Pangkalagitnaang Toronto noong pangkalahatang eleksiyon, Oktubre 2008; Ang purok ay iminungkahi siyang muli bilang kandidata noong Mayo, 2009. Si Ellen ay naglilingkod bilang Kritikong Pangkapayapaan at Pangkaligtasan sa Canada Shadow Cabinet ng Green Party (Para sa pakikapag-ugnayan sa mga ipinalalabas ng media ng Green Party na kontribusyon ni Ellen, pakitingnan ang nasa ibaba).

Si Ellen ay isa sa mga orihinal na kasapi ng kooperatibong WindShare at miyembro ng kapulungan ng mga direktor ng Conservation Foundation of Greater Toronto. Siya ay kusang-loob na tagapaglingkod sa Green Thumbs Growing Kids, Bleecker-Wellesley Activity Network at sa Hot Docs film festival. Siya ay kasapi sa Toronto Heliconian Club at sa Women’s Art Association of Canada. Naghuhugas siya ng mga pinggan sa 519 Church Street Community Centre, kung araw ng Linggo ng pagdalaw, at nag-aayos ng mga aklat na hindi mabili na ipamimigay na donasyon sa taunang Pamilihan ng Mayfair sa Rosedale-Moore Park Community Association. Siya ay naging tagapagsalita sa Jane’s Wall ng James Town noong 2010 na itinatag ng SEED (Safe Engaged Environments- Disability: Ligtas na Kapaligiran para sa mga Nasalanta), at sa pagtitipon ng UMOVE (United Mothers Opposing Violence Everywhere-Nagkakaisang Mga Ina Laban Sa Karahasan sa Lahat ng Dako) sa Nathan Phillips Square. Siya ay masugid sa green committee ng gusali ng kanyang apartment. Si Ellen ay kasapi ng Samahan ng mga Propesyonal na Manunulat ng Canada (Professional Writers Association of Canada) sa mahigit na 20 taon; mahigit sa 100,000 mga salita ang naimprenta sa ilalim ng kanyang pangalan.

Siya ay isang guro sa paaralan ng Toronto District School Board nang maraming taon., nagretiro noong Hunyo 2006. Pagkatapos, ginugol ni Ellen ang sampung buwan bilang pensiyonado, na gumagawa kasama ng mga guro sa paaralang publiko sa Greenland, at doon niya nasaksihan ang epekto ng pandaigdig na pag-init ng kapaligiran sa pansariling karanasan. Ginugol niya ang buwan ng Hunyo 2008 sa Central America na gumagawa kasama ng mga guro sa Ingles sa Guatemala at kusang-loob na naglilingkod sa isang NGO (Samahang Hindi nasa ilalim ng Pamahalaan) sa Nicaragua.

Siya ay nagturo sa CastleFrank Northern and Rosedale Heights Secondary Schools, sa Central Technical School at sa Western Technical-Commercial School. Naglingkod siya sa lokal na Ontario Secondary School Teacher’s Federation bilang kinatawan mula sa Western Technical at sa Central Technical na naghahatid ng impormasyon mula sa distrito ng Toronto pabalik sa kanyang mga paaralan at mga pananagutan ng paaralan papunta sa samahan.

Tinapos niya ang Master of Arts sa pagtuturo, sa Harvard University at nag-espesyalista siya sa aralin ukol sa pamahalaan bilang isang mag-aaral sa dalubhasaan. Bilang kasapi ng unang Canada Corps, siya ay naglingkod sa Ukraine bilang tagapagmasid sa eleksiyon, para sa inulit na halalan sa pangulo noong taglamig ng 2004

Bilang kinatawan ng kanyang paaralan, gumagawa bilang isang manunulat at kasama ng ibang mga manunulat, nagpapagaan ng pagpapaunlad na propesyonal ng mga guro, at pagkatok sa pintuan ng mga tahanan para sa Green Party, ang mata ni Ellen ay nakapako sa pagbuo ng mga komunidad na ang mga tao ay gumagawa na magkakasama para sa kabutihan ng nakararami.

Si Ellen ay naninirahan sa Toronto Centre nang mahigit nang 35 taon. Siya at ang kaniyan asawa ay minamahalaga ang kanilang panahong iniuukol sa kanilang mga apo na naggaganyak sa kanila na gumawa para sa isang malusog at may paninindigang daigdig. Si Ellen ay umaawit kasama ng Toronto’s Raging Grannies.

media releases:
http://greenparty.ca/media-release/2010-10-12/harper-government-fails-win-un-security-council-seat-canada

http://greenparty.ca/media-release/2009-10-16/ministry-peace

http://www.greenparty.ca/en/defence/2009-05-27/greens-join-call-ottawa-respect-ban-arms-shows

http://greenparty.ca/en/media-release/2009-03-30/green-party-calls-global-nuclear-disarmament

http://greenparty.ca/en/media-release/2009-02-13/green-party-supports-un-investigation-types-weapons-used-gaza

http://greenparty.ca/media-release/2010-12-15/canadian-first-certification-peace-professionals